Hindi na kakaiba sa atin ang makakita ng mga pulubi sa kalsada, o kaya nama'y makaramdam ng basahan na idinadampi sa ating mga sapatos ng mga batang humihingi ng limos sa jeep. Ito ang mga mukha ng kahirapan.
MGA BATA
Katulad ng nasabi ko kanina, hindi na nga bago sa atin ang makakita ng mga batang naglilinis ng sapatos sa jeep sa pagbabaka-sakaling makahihingi ng kaunting limos. May ilang naiinis sa ganitong gawain, lalo na siguro ang tsuper. Pero mayroon din namang naaawa at paminsa'y nagbibigay ng kaunting barya o, di kaya'y pagkain. Minsan, nakapagbibigay din ako sa mga batang ito ng pagkain o kaya'y barya.
Bukod dito, nag-aalay ako ng panalangin sa tuwing makakakita ako ng ganitong mga bata. Ipinagdadasal ko na bagama't ganoon ang kalagayan nila, huwag nawa silang matutong magdroga o kaya'y matuto ng iba pang mga bisyo. Paano nga naman lalaki ang bata nang may tamang mga prinsipyo sa buhay kung gayon ang kalalakhan niyang mundo? Paano niya maiiwasang maging "ugaling kanto" kung sa kanto nga lang siya nakatira? Mabuti sana kung may magulang na nag-aalaga sa kanila. ngunit paano kung wala?
ANG PAMILYA
Karaniwan din sa atin ang makakita ng mga pamilyang naninirahan sa kalsada, di kaya'y sa kariton. Mapalad ang mga pamilyang ito sapagkat sama-sama pa rin sila kahit na naghihirap sila. Mas maigi ito kaysa naman sa mga pamilyang mayayaman nga, hindi naman buo.
Pinagpala rin sila sapagkat nalalaman nila ang kahalagahan ng paghihirap. Mas masarap para sa kanila ang bawat kainin nila sapagkat ito'y bunga ng pagpapakahirap at pagtitiyaga. Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi na natin sila dapat tulungan.
Ang Pamilyang Nasa Kariton (PnK) bilang Munting Simbahan
Ang mga pamilyang sa kahirapan ay sa kariton na lang nakatira ay isang munting pamayanan. Maaari pa nga nating sabihing sila ay munting Simbahan, isang munting komunidad ng mga manananpalataya na itinuturing ang Diyos bilang kanilang Ama, umiibig, nagpupuri at umaasa sa Kanya.
Dahil dito, nararapat din na tugunan natin, hindi lamang ang kanilang mga temporal na pangangailangan kundi pati na rin ang espiritwal. Katulad ng nasabi ko tungkol sa mga bata, dapat ding lumago sa pag-ibig at tamang mga prinsipyo ang mga pamilyang ito. Mapapalad ang mga batang kabilang sa mga PnK sapagkat mayroon pa silang mga magulang na gagabay sa kanilang paglaki.
PAGKILOS
Bilang mga Kristiyano, hindi dapat tayo maging bulag at bingi sa mga pangangailangan ng mga mahihirap. Dapat tayong kumilos para sa kapakanan nila. Ang Simbahan natin ay maka-mahirap. Ating suportahan ang mga proyekto nito para sa mga mahihirap.
Kahit sa ating mga sarili, marami tayong magagawa. Hindi porke't wala kang pera ay wala ka nang magagawa. Ang simpleng pagbabahagi ng iyong kinakaing meryenda para sa mga batang nanghihingi ay pagtulong na rin. Di kaya nama'y ang pagsali sa mga outreach kung saan maaari mong makasalamuha ang mga kapus-palad. Dito'y maipaparamdam mo sa kanila na tao sila at mahalaga sila.
Higit sa lahat, kailangan natin silang ipagdasal. Ang dasal ay isang pagtulong na nakaka-abot sa kahit anong panig ng mundo. Kahit malayo sa yo ang isang tao, ang pagdadasal para sa kanya ay malaking tulong na.
Mahalin natin ang mga mahihirap. Sila ang imahe ng nagdurusang si Kristo.

At sasabihin sa kanila ng Hari, 'Tandaan ninyo, nang pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.'
(Mt. 25:45)
(Mt. 25:45)
Samga bumoto po sa poll regarding Pamilyang nasa Kariton, please post comments too.
ReplyDeletePara sa akin, totoong isang munting Simbahan ang pamilyang nasa kariton. Sinasalamin nila ang kaisahan ng Holy Trinity. Para bang Jesus, Mary and Joseph. Ang Pnk ay patuloy na naglalakbay sa buhay nang sama-sama patungo sa Diyos. Hindi ba't ganito rin ang ating Simbahan, naglalakbay patungo sa Ama?
ReplyDeletethnks po.
ReplyDeletepara sa akin isang pagsubok na binibigay ng pangnoon yan kailangan natin manalig sa kanya wag sususko sa buhay lahat tayo may mga kanya-kanyang suliranin pero kailangan natin ang panginoon para malagpasan ito at sa mga dadtin pa :D
ReplyDeletetumulong tayo sa nangangailangan
ReplyDelete
ReplyDeleteAdmin, if not okay please remove!
Our facebook group “selfless” is spending this month spreading awareness on prostate cancer & research with a custom t-shirt design. Purchase proceeds will go to cancer.org, as listed on the shirt and shirt design.
www.teespring.com/prostate-cancer-research
Thanks